Home METRO Mister todas sa tarak ng selosang misis

Mister todas sa tarak ng selosang misis

(c) Crismon Heramis

MANILA, Philippines – Selos ang sinasabing dahilan kaya nagawang saksakin ng isang ginang ang kanyang mister sa loob ng kanilang tauhan sa Pasig line Street,Sta Ana Manila Linggo ng gabi.

Nagtamo ng isang tama ng saksak sa dibdib ang biktimang si Cecilio Lopez 25 residente ng no. 2335 Int.1` Pasigline St,.Sta Ana Manila.

Kusang loob naman sumuko ang suspek na misis ng biktima na nakilalang si Rhizza Alonzo, 25 matapos mamataan ng mga rumespondeng pulis ng Dagonoy PCP MPD Stn.6 sa Sta Ana Hospital.

Sa ulat ng pulisya , alas 11:30 ng gabi nang maganap ang insidente matapos magtalo ang dalawa na nauwi sa sakitan.

Dumampot ng patalim na may haba na 11 pulgada ang suspek saka itinarak sa dibdib ng mister dahil sa tindi na rin ng selos.

Naisugod pa ng mga kapitbahay ang biktima sa Sta.Ana Hospital,matapos ang insidente subalit dakong 12:01 ng madaling araw nitong lunes pero idineklara ring patay na.

Gayunpaman, kasalukuyan nang nakakulong si misis sa himpilan ng MPD Homicide section ng Manila Police District Headquarters.habang inihahanda ang magiging kaso nito sa ginawang krimen. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)