Home METRO Miyembro ng NPA patay sa engkwentro

Miyembro ng NPA patay sa engkwentro

NEGROS OCCIDENTAL- PATAY ang isang kasapi ng New People’s Army (NPA) matapos ang magkasunod na engkwentro ng tropa ng pamahalaan nitong Martes, Mayo 21 sa lalawigan ito.

Kinilala ang nasawi na si Richard Dela Peña, alyas Rocky, miyembro ng CN1, KR-NCBS, at residente ng Sitio Inangaw in Barangay Quintin Remo.

Sa report ng 62nd Battalion Philippine Army, naganap ang unang engkwentro bandang 7:00 AM sa Barangay Quintin Remo, Moises Padilla.

Ayon sa militar, nakatanggap sila ng report hinggil sa presensya ng mga armadong rebeldeng grupo ng Central Negros 1 (CN1), Komiteng Rehiyon–Negros, Cebu, Bohol, at Siquijor (KR-NCBS) sa Sitio Inangaw.

Agad na nagsagawa ng combat operations ang militar sa nasabing lugar at agad silang sinalubong ng mga putok ng baril ng rebeldeng grupo na nauwi sa palitan ng putok na tumagal ng 10-minuto.

Pagsapit ng 8:30 AM naganap ang bakbakan matapos harangin ang mga sundalo ng rebeldeng grupo sa Sitio Saksak ng naturang barangay na nagresulta sa pagkamatay ni Dela Peña.

Mabilis naman umatras ang mga kasamahan ni Dela Peña patungo sa bulubunduking bahagi ng nabanggit na bayan.

Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang M16 A1 rifle, magazine na may laman 20 serviceable rounds, bandolier na may 2 magazines para sa M16 rifle at 20 serviceable rounds, at mga subersibong dokumento. Mary Anne Sapico