Home NATIONWIDE #WalangTubig sa Antipolo, Angono, San Juan at Marikina sa May 22-23

#WalangTubig sa Antipolo, Angono, San Juan at Marikina sa May 22-23

MANILA, Philippines – Mawawalan ng suplay ng tubig ang bahagi ng Antipolo at Angono sa Rizal, San Juan City, at Marikina City mula Mayo 22 at 23 dahil sa scheduled maintenance activities.

Sa abiso, sinabi ng Manila Water na magsasagawa ito ng leak repair sa MLQ Extension sa harap ng Lores Gate 1 mula 10 p.m., May 22, Miyerkules, hanggang alas-4 ng umaga, Mayo 23, araw ng Huwebes.

Ang mga apektadong lugar ay ang bahagi ng Dalig at San Roque sa Antipolo, at Mahabang Parang sa Angono.

Samantala, magkakaroon naman ng line declogging sa Valenzuela corner F. Blumentritt sa San Juan mula alas-10 ng gabi ng Mayo 22, hanggang alas-4 ng umaga ng Mayo 23.

Apektado naman dito ang lugar ng Tibagan.

Sinabi rin ng water concessionaire na magsasagawa ito ng line maintenance sa P. Valenzuela Street, Marikina Heights, Marikina City mula alas-10 ng gabi ng May 22, hanggang alas-4 ng umaga ng Mayo 23.

Ang mga apektadong lugar ay ang bahagi ng Marikina Heights (P. Valenzuela), Champagnat Street (from the corner of Gen. Ordoñez to corner West Drive), NW Narra Street (from the corner of Gen. Ordoñez to corner of West Drive), West Drive (Liwasang Bayang to corner Gen. Ordoñez), NW Ipil Street (P. Valenzuela to corner West Drive). RNT/JGC