MANILA, Philippines – Tumaas ang bilang ng mga sasakyan na dumaraan sa EDSA ngayong papalapit ang Kapaskuhan.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), tumaas sa 464,000 mga sasakyan ang dumaraan araw-araw o doble sa kapasidad ng EDSA na 250,000 sasakyan.
Sinabi ni Chairman Romando Artes na ang bugso ng mga sasakyan ay naitatala mula alas-6 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga, at alas-4 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.
Posible aniya na mas tumaas pa ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA habang papalapit ang Pasko kung saan ginaganap ang mga Christmas party at pagbili ng mga regalo o panghanda.
“Tayo na nanawagan sa ating mga kababayan na planuhining mabuti ‘yung pagbiyahe lalo na ngayong weekend,” ani Artes.
“Pag nag mall wide sale, grabe ang kine-create na traffic. Napakarami nating malls na nasa EDSA, C5 na major thoroughfares na pagnabararahn ay nako-cause ng major traffic. Hindi natin ipinagbabawal ang sale, huwag lang mall wide kasi pag-mall, wide dinudumog talaga ng napakaraming tao,” pagtatapos ni Artes. RNT/JGC