MANILA, Philippines – Sinabi ng Social Security System (SSS) nitong Lunes, Disyembre 9 na naglaan ito ng P32.19 bilyong halaga ng 13th month at December pensions sa mahigit 3.6 milyong pensioner.
Ayon kay SSS officer-in-charge Voltaire Agas, layon nilang ma-credit ang mga pension ng kasing-aga ng Nobyembre 29 para magsilbing “pre-Christmas gift” sa SSS at Employees’ Compensation (EC) pensioners.
“We are also aware of the plight of our pensioners who were not spared by the recent tropical cyclones that lashed the country in less than a month. The early crediting of these pensions can help address some of their financial needs as they try to rebuild their lives after a series of calamities struck the country,” saad sa pahayag ni Agas.
Anang SSS, ang unang batch ng 13th month at December pensions na nagkakahalaga ng P17.9 bilyon ay naipamahagi na sa 2.09 milyong pensioner noong Nobyembre 29, sakop ang mga pensioner na may petsa ng contingency sa loob una hanggang ika-15 araw ng buwan.
Naibigay naman ang ikalawang batch nito na nagkakahalaga ng P14.3 bilyon noong Disyembre 4. Nakinabang dito ang 1.52 milyong pensioner na ang dates of contingency ay nasa ika-16 hanggang huling araw ng buwan.
Ang mga pensioner na nag-avail ng advance 18-month pensions para sa kanilang inisyal na benefit ay nakakuha na ng kanilang 13th month pensions noong Disyembre 4.
Dagdag ng SSS, naglabas din ito ng nasa P41.6 milyong halaga ng 13th month at December pensions sa mahigit 6,000 pensioners sa pamamagitan ng non-PESONet participating banks at mga cheke.
“Pensioners in non-PESONet participating banks got their pensions on December 4, meanwhile we have asked the Philippine Postal Corporation to expedite the delivery of the checks of our pensioners in their home address,” ani Agas.
Aniya, ang retirement at survivor pensioners ay nakakuha ng 13th month pension na katumbas ng kanilang regular monthly pensions, habang ang mga pensioner na may total disability ay nakatanggap ng katumbas ng kanilang monthly pensions na walang medical allowance.
“Member’s children receiving dependent’s pensions are also entitled to the 13th month pension and partial disability pensioners can receive it if they have a pension duration of at least 12 months,” paliwanag ni Agas. RNT/JGC