MANILA, Philippines – Hiniling ni Senador Raffy Tulfo sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na baklasin ang lahat ng motorcycle escorts nito sa pulitiko at iba pang “very important persons” saka ilipatr sa traffic duties sa EDSA matapos ang viral incident na pumasok sa bus carrousel lane sa lugar.
Nitong linggo, kumalat sa social media ang isang SUV na escalade na may plakang “7” na natuklasan na pag-aari ng kaanak ni Senador Sherwin Gatchalian na pawang nagmamay-ari sa SUV, ang Orient Pacific Corporation na si William Gatchalian, na pumasok sa EDSA carrousel at tangka pa nitong “banggain” ang traffic enforcer sa lugar matapos sitahin.
Mariiing itinanggi ni Senador Gatchalian nap ag-aari nito ang Escalade na may plakang number 7 ngunit natuklasan din na sakay nito si Kenneth Gatchalian, ang presidente ng Orient Pacific Corporation 2.
“Nanawagan ako ngayon sa MMDA chairman. Ngayon pa lamang, -ipull out mo na (ang motorcycle escorts) unless you have authority from the Office of the President then wala tayong magawa. Pag-trabahuhin mo dyan sa EDSA, at wala na dapat escort,” Tulfo, who is the chair of the Senate Committee on Public Services, said in a press briefing.
“Dapat yan ay ginagamit sa pag-papatrolya sa traffic, paghahabol sa traffic violators, hindi sa pag escort ng VIP,” ayon kay Tulfo.
Nakita sa viral video ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT), na tangkang takas an ng SUV ang paglabag at muntik nitong banggain ang traffic enforcer na si Sarah Barnachea ng Department of Transportation’s Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT).
Ayon kay Tulfo, ayaw magbigay ng MMDA sa CCTV footage ng insidente kahit pormal na humingi ang tanggapan ng senador.
Ibinulgar ni Tulfo na kaanak ng isang senador ang pasahero ng SUV pero pag-aari ang sasakyan ng Orient Pacific Corporation.
Sinabi ni Tulfo na nakatakda iton magsagawa ng pagdinig hinggil sa ilang traffic violators sa EDSA busway saka nagpaplano na maghain ng isang panukalang batas na ipagbawal ang paggamit sa MMDA motorcycles bilang escorts.
Aniya, kailangan itaas ang multa mula sa dating P5,000 tungo sa P50,000 sa sinumang lalabag sa batas ng trapiko sa EDSA busway upang pigilan ang paglabag.
Samantala, tiniyak naman ni MMDA chairperson Romando Artes Jr. na dadalo ang ahensiya sa isasagawang pagdinig kapag nakatanggap ng imbitasyon.
“Doon po kami magpapaliwanag kung ano yung position namin doon sa nabanggit ni Senator Raffy regarding sa CCTV footage, regarding doon sa mga motorcycle namin,” ayon kay Artes. Ernie Reyes