Home HOME BANNER STORY MMDA sa NCR malls: Magbukas ng 11am mula Nob. 8 ‘gang Dis....

MMDA sa NCR malls: Magbukas ng 11am mula Nob. 8 ‘gang Dis. 25 para iwas trapik

156
0

Hiniling ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Miyerkules ang mga mall sa National Capital Region (NCR) na magbukas ng alas-11 ng umaga mula Nobyembre 18 hanggang Disyembre 25 dahil sa inaasahang mas matinding trapiko sa panahon ng Pasko.

Sa isang press conference, sinabi ni MMDA chairperson Romando Artes na ang oras ng pagsasara ay depende sa pagpapasya ng mga may-ari ng mall.

“Depende na po sa mall owners. Pero we encourage them to extend sana para yung mga gustong magpalipas pong traffic ay may magpa-stay-an pa and then makagawa sila like grocery, last-minute shopping,” ani Artes.

Ginawa ni Artes ang pahayag kasunod ng pakikipagpulong sa mga kinatawan ng Metro Manila malls. Ayon sa kanya, positibong tumugon ang pamunuan ng mga malls sa adjusted opening time.

Mayroong 131 malls sa NCR at 29 dito ay matatagpuan sa kahabaan ng EDSA, ayon kay Artes.

Sinabi ng MMDA chief na nasa 421,000 sasakyan ang dumadaan sa EDSA kada araw. Ang average na bilis ng paglalakbay sa kahabaan ng EDSA ay tinatayang nasa 19.95 kilometro bawat oras para sa pahilaga at 18.13 kilometro bawat oras para sa timog.

Hiniling din ng MMDA sa mga may-ari ng mall na mag-alok ng mall-wide sales bago ang Nobyembre 18 para maiwasan ang matinding traffic.

Para maibsan ang problema, sinabi ni Artes na makikipag-ugnayan ang MMDA sa Department of Transportation (DOTr) para palawakin ang operasyon ng bus carousel at train systems para makapag-accommodate ng mas maraming pasahero. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here