Chairman Don Artes na ang nagsabing hindi nila agad isasapubliko ang box office record ng sanpung pelikulang kalahok sa 50th year ng makasaysayang festival.
In fairness, wala ngang itulak-kabigin kung ganda at kalidad ng all 10 official entries ang pag-uusapan.
Medyo nakakalungkot lang na may ibang entries ang may maraming sinehang paglalabasan.
So far, the festival entry which has the most number of theatres nationwide ay ang Espantaho.
Sa direksyon ni Chito Roño, mga bida rito ay sina Judy Ann Santos, Lorna Tolentino, Chanda Romero, among others.
Sinusundan ito ng And The Breadwinner Is tampok si Vice Ganda.
Pumapangatlo ang The Kingdom nina Vic Sotto at Piolo Pascual.
Panghuliy ang Uninvited nina Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre.
Samantala, mas marami pang sinehan ang My Future You nina Francine Diaz at Seth Fedelin kesa sa Topakk nina Arjo Atayde at Julia Montes.
The only musical, nakiusap si Aicelle Santos na unahin sana ng mga tao na panoorin ang Isang Himala sa direksyon ni Pepe Diokno.
The film from the script of National Artist Ricky Lee ang may pinakakonting sinehan nationwide–32.
Katwiran ng MMDA sa ‘di pagsasapubliko agad ng box office records ng mga ito–para maiwasan daw ang diskriminasyon.
Year in, year out ay napatunayan nang ang pelikula na humahamig ng maraming awards sa Gabi ng Parangal lalo’t kung mahina sa first two to three days mula nang mag-showing ay humahataw sa takilya.
To all 10 MMFF entries and their respective producers, good luck! Ronnie Carrasco III