Manila, Philippines – Feeling ni Sylvia Sanchez ay dehado ang pelikulang Topakk na pag-aari ng kanyang Nathan Studios.
Ang Topakk ay tinatampukan nina Arjo Atayde, Julia Montes at Sid Lucero, among others sa direksyon ni Richard Somes.
Sa unang araw kasi ng showing ng all 10 official entries to the 50th Metro Manila Film Festival–nitong December 25–ay 36 lang ang bilang ng mga sinehang pinagpapalabasan ng Topakk.
Ang Topakk ay may dalawang bersyon–R-13 at R-18.
Inamin ni Sylvia na “turned off” siya sa ipinairal na sistema ng MMFF.
Hindi kasi pare-pareho ang bilang ng mga sinehan ng sampung kalahok.
Natural na bawat producer ay hangad na maging top grosser sila.
Pero ani Sylvia, malayong mangyari ito sa Topakk na 36 lang ang mga sinehan, samantalang ang iba’y may 100 hanggang 200 sinehan.
Sana man lang daw ay naging pantay-pantay sa MMFF na minsan lang sa isang taon idinaraos.
Ayon naman kay MMFF execom chairman Don Artes, hindi nila kontrolado ang mga sinehan sa mga probinsya.
Sa kabila ng “pang-aapi” sa Topakk, ipinagmamalaki ito ni Sylvia in terms of artistic and technical quality.
Sa Gabi ng Parangal na lang daw siya ngayong December 27 babawi.
Karaniwan kasi na nadadagdagan ang mga sinehan kapag humakot ng mga awards ang isang MMFF entry.
Samantala, ginastusan ng P200k ang ipamimigay na MMFF entry ngayong taong ito.
May bago itong disenyo na sinasabing puwedeng isanla.
Sa 50th year ng MMFF lang ito ipamimigay at ibabalik na uli sa yaring kahoy ang tropeo sa mga susunod na taon. Ronnie Carrasco III