MANILA, Philippines- Nasa 300 ektarya ng pananim ang napinsala sa Negros Island sa patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Kanlaon na dahilan din upang mapilitang lumikas ang 45,000 indibdiwal mula sa 32 barangay ng Negros Occidental at Negros Oriental.
Sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) na batay sa pinakabagong datos na natanggap nito, ang pinsala sa agrikultura sa dalawang lalawigan ay pumalo na sa P33.5 milyon, at 830 magsasaka at mangingisda ang nawalan ng kabuhayagn dahil sa pagputok ng bulkan mula Dec. 9 nang isailalim ang Kanlaon sa Alert Level 3.
Inihayag ng OCD na 34.54 ektarya ng pananim ang iniulat na totally damaged habang 263.51 ektarya ang partially damaged subalit maaari pang makarekober.
Anang OCD, sinimulan ng Department of Agriculture na inabisuhan ang mga magsasaka at local government units na magpatupad ng preparedness measures,.
“They are also assessing damage and losses in the agriculture sector while coordinating with local agencies for effective response strategies,” ayon sa OCD. RNT/SA