Home METRO Chaplain na nagpapahinga sa loob ng sasakyan nabiktima ng kawatan

Chaplain na nagpapahinga sa loob ng sasakyan nabiktima ng kawatan

MANILA, Philippines- Ninakawan ang isang Philippine Coast Guard Chaplain na nahilo matapos mangasiwa ng tatlong midnight masses habang nagpapahinga sa loob ng kanyang sasakyan sa Pasay City nitong Dec. 24.

Kinilala ni Pasay City Police chief, Col. Samuel Pabonita, ang biktima na si alyas “Lt. Alvin”, 37, at naninirahan sa Coast Guard Base sa Parola Delpan, Tondo, Manila.

Inihayag ni Pabonita na kinilala ang suspek na si alyas “Joseph”, 20. Nadakip siya dakong alas- ng gabi sa Maginhawa St., Malate, Manila noong Dec. 25.

Batay sa imbestigasyon, nahilo ang biktima habang pauwi sa kanyang tahanan sakay ng kanyang pickup truck at nagdesisyong tumigil sa kahabaan ng Roxas Boulevard upang magpahinga at matulog.

Pagkagising ng alas-5 ng umaga noong  Dec. 24, nawawala na ang kanyang suot na smart, itim ana tactical bag na naglalaman ng P200,000, cellular phone, personal IDs, at ATM cards.

Sinabi ng city police na matapos maiulat ang insidente, nagsagawa ng follow up operation sa pamamagitan ng pag-review sa CCTV footages sa lugar ng insidente, kabilang ang Barangays 76, 10, 11, 12, 13, 14, at 26 na nagresulta sa pagkakatukoy at pagkakaaresto sa suspek.

Narekober sa kanyan ang Huawei wristwatch ng biktima, Huawei cellular phone, P5,100 na bahagi ng ninakaw na pera, itim na long-sleeved shirt at itim at puting tsinelas ng biktima, at ang bisikletang ginamit sa krimen. RNT/SA