Home METRO Ilocos region PDRRMOs naka-heightened alert kasunod ng offshore quakes  

Ilocos region PDRRMOs naka-heightened alert kasunod ng offshore quakes  

VIGAN CITY, Ilocos Sur- Nananatiling naka-heightened alert ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Offices sa Region 1 (Ilocos) para sa posibleng epekto ng magkakasunod na offshore earthquakes sa Santa Catalina, Ilocos Sur sa nakalipas na mga araw.

Sinabi ni PDRRMO-Ilocos Sur chief Rhon Arquelada na mahigpit nilang binabantayan ang 18 coastal areas sa lalawigan at inalerto ang local DRRMOs.

“So far, the coastal areas in the province remain under normal situation this Christmas. However, we remain on heightened alert even beyond the New Year,” wika niya.

Inihayag naman ni Ilocos Norte-PDRRMO Marcel Tabije na 189 coastal barangays sa siyam na bayan sa lalawigan ang isinailalim din sa close monitoring. 

Inalerto ng Office of the Civil Defense-Region 1 ang DRRMOs sa 12 coastal towns sa La Union at 14 coastal municipalities sa Pangasinan sa pamamagitan ng kanilang PDRRMOs upang paghandaan ang epekto ng offshore earthquakes.

Naglatag ito ng Tsunami Implementation Plan upang tukuyin ang early warning system, ligtas na paglikas, at ligtas na lugar para sa evacuees.

Inalerto ng OCD ang local government units sa Ilocos region, Cagayan Valley, at Central Luzon upang ihanda ang kanilang earthquake at tsunami evacuation plans kasunod ng serye ng pagyanig upang ihanda ang mga residente. 

Hinimok ng ahensya ang LGUs na magsagawa ng earthquake at tsunami drills.

Hanggang alas-11 ng umaga nitong Huwebes, nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology ng hindi bababa sa 180 aftershocks kasunod ng magnitude-five main earthquake noong Dec. 19. RNT/SA