Home METRO Mock elections sa BARMM, isasagawa ng Comelec

Mock elections sa BARMM, isasagawa ng Comelec

217
0

MANILA, Philippines – Ngayong araw, Hulyo 26 isasagawa ng Commission on Elections (Comelec) ang mock elections bilang paghahanda para sa Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) na nakatakda sa Oktubre.

Sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, na ang aktibidad ay isasagawa sa ilang bayan sa Lanao del Sur at Tawi-Tawi simula alas-7 hanggang alas-10 ngayong umaga.

Tiniyak naman ng Comelec na 100 porsyento nang handa ang komisyon gayundin ang mga magsisilbing Electoral Board.

Ayon kay Laudiangco, kabuuang 400 registered voters mula sa walong barangays mula sa apat na bayan at munisipalidad ng Lanao del Sur at tawi-tawi ang lalahok sa aktibidad sa Sabado.

Ang mock elections sa lanao del Sur ay kasangkot sa mga botante ng Barangay Sagonsongan at Dulay sa marawi City at mga Barangay Bayabao Poblacion at Dilimbayan sa Butig.

Para naman sa Tawi-Tawi , gaganapin ang kaganapan sa barangay Tubig-Boh at Ungus-Ungus sa Bongao; at barangay Tubig Indangan at Bagid sa Simunul.

Ang canvassing ng mga boto na pangungunahan ng Regional Board of Canvassers (RBOC) ay gaganapin sa Office of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Election Director sa Bangsamoro Government Center Compound sa Cotabato City.

Paliwanag ni Laudiangco, ang gagawing mock elections ay magbibgay sa kanila ng pagkakataong subukan ang buong proseso ng pagboto, pagbibilang at canvassing na gagamitin sa halalan sa Oktubre 13.

Magbibigay-daan din sa kanila na subukan ang oras at galaw ng pagboto,pamamahala ng mga Voters Assistance Desk,paghahanap ng mga pangalan sa mga listahan ng mga botante,transmission at automated counting machine troubleshooting bukod sa iba pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here