Home HOME BANNER STORY Mock elections sa BSKE, matagumpay – Comelec

Mock elections sa BSKE, matagumpay – Comelec

MANILA, Philippines – Matagumpay ang idinaos na mock elections para sa automated Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Idinaos ng Comelec ang mock elections mula alas-7 ng umaga hangang alas-10 ng umaga sa tatlong pilot areas.

Ito ay sa: Barangay Paliparan III at Barangay Zone II sa Dasmarinas City, Cavite; at Barangay Pasong Tamo sa Quezon City.

Sinabi ng Comelec na naging ‘smooth’ ang proseso dahil mayroon lamang 50 botante sa isang prisinto na ginamit sa mock elections.

Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na ang proyekto ay matagumpay at ang canvassing ng boto ay manageable.

Kasama sa nag-obserba sa mock elections ang National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) na nagsabing ang automated elections para sa barangay and Sangguniang Kabataan ay maaaring gawin.

Ang BSKE na nakatakda sa Oktubre 30 ay manual maliban sa tatlong pilot sites.

Ito ay bilang paghahanda sa December 2025 BSKE kung saan inaasahan ng Comelec na maging fully automated na.

Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na ang pagsasagawa ng BSKE automation ay posible na magkaroon ng mga resulta isang oras pagkatapos magsara ang mga presinto.

Kumpara ito sa manual voting na karaniwang tumatagal hanggang hatinggabi.

Ang mga lumang VCM na ginamit noong 2022 elections ay gagamitin pa rin sa Oktubre 30, kaya naman sinabi ni Garcia na hindi niya isinasantabi ang mga problema.

Gayunpaman, tiniyak niya na ang bawat presinto ay magkakaroon ng backup na VCM.

Sa mahigit 98,000 na makina, 1,000 lang ang nananatiling gumagana. Jocelyn Tabangcura-Domenden