Home NATIONWIDE Modernization program ng AFP nakakuha ng P35B badyet

Modernization program ng AFP nakakuha ng P35B badyet

110
0

MANILA, Philippines – Makatatanggap ang Armed Forces of the Philippines ng P35 bilyon ngayong taon para sa modernization program nito sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA) na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Disyembre 30.

Ang aprubadong badyet para sa revised AFP modernization program para sa 2025 ay nasa P15 bilyon na mas mababa sa P50 bilyon na naunang ipinanukala ni Marcos sa Kongreso.

Kung naaprubahan ang proposal na ito, ito ang magiging pinakamataas pagdating sa annual allocations para sa phased upgrade na sinimulan noong 1990s sa ilalim ng administrasyong Ramos.

Noong nakaraang taon, nakatanggap ang naturang programa ng P40 bilyong pondo.

Sa deliberasyon ng badyet sa Senado noong Nobyembre, sinabi ni Senador Ronald dela Rosa, sponsor ng badyet ng departamento, na binawasan ng Kamara ang P50 bilyong proposal at ginawang P40 bilyon.

Aniya, makakaapekto ang budget cut sa pitong proyekto partikular ang mga may kaugnayan sa cyber systems, forward support equipment, aviation and engineering equipment, aircraft purchase, tactical combat vehicles at radar-basing support systems.

Kinwestyon din ni Senador Joseph Victor Ejercito ang pagbawas sa badyet.

Kalaunan ay ibinalik ng Senado ang P10 bilyong cut na ginawa ng Kamara.

Sa kabila nito, sa GAA na pinirmahan ng Pangulo noong nakaraang linggo, ang final modernization fund ay nasa P35 bilyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here