Home HOME BANNER STORY Modular learning ipatutupad sa Cebu matapos mawasak 7,500 klasrum sa lindol

Modular learning ipatutupad sa Cebu matapos mawasak 7,500 klasrum sa lindol

278
0

MANILA, Philippines – Ipatutupad ng Department of Education (DepEd) ang modular learning at pagtatayo ng pansamantalang silid-aralan sa hilagang Cebu matapos masira ng magnitude 6.9 na lindol ang mahigit 7,500 classrooms at maapektuhan ang higit 19,000 estudyante.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, prayoridad na maibalik agad ang pag-aaral habang isinasagawa ang pagkukumpuni at muling pagtatayo ng mga paaralan.

Batay sa datos ng DepEd, 5,587 silid-aralan ang may bahagyang pinsala, 803 ang may malaking pinsala, at 1,187 ang tuluyang nawasak. Halos 950 guro at kawani rin ang apektado.

Magbibigay ang DepEd ng lesson packets at EduKahon kits, gagamitin ang Dynamic Learning Program, at magtatayo ng Temporary Learning Spaces upang mabawasan ang nawalang araw ng klase.

Maaari ring mag-avail ng Special Emergency Leave ang mga guro sa mga lugar na nasa state of calamity.

Tiniyak naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang patuloy na suporta at koordinasyon ng gobyerno kasama ang mga lokal na opisyal para sa rehabilitasyon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here