Home NATIONWIDE Office of the President nagbigay ng P200-M sa Cebu quake victims

Office of the President nagbigay ng P200-M sa Cebu quake victims

302
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagbigay ng higit ₱200 milyon ang Office of the President para sa Cebu at mga bayan na naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol.

Sa halagang ito, ₱180 milyon ang ibinigay sa probinsya at mga LGU, ₱20 milyon sa ospital ng DOH, at tig-₱5 milyon sa mga ospital na pinapatakbo ng LGU.

Magbibigay rin ang gobyerno ng ₱10,000 cash assistance sa mga pamilyang nawalan ng tirahan, at tiniyak ang tuloy-tuloy na pagkain at suplay ng tubig.

Magtatayo rin ng “tent city” sa Bogo City gamit ang mga tolda ng Red Cross noong pandemya, na may kasamang pasilidad gaya ng tubig, kuryente, at pagkain.

Ininspeksyon din ng Pangulo ang mga nasirang pabahay, paaralan, at ospital, at nangakong ipagpapatuloy ang rehabilitasyon “hanggang masiguro na lahat ng naapektuhan ay natutugunan.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here