Home NATIONWIDE Modus ng 4 motornappers, buking!

Modus ng 4 motornappers, buking!

MANILA, Philippines – SWAK sa balde ang modus operandi ng apat na hinihinalang miyembro ng motornapping gang makaraang makita ang galaw nila sa footage ng Closed Circuit Television (CCTV) nang tangayin ang motorsiklo ng Branch Manager ng isang kilalang food chain sa Naic, Cavite.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Perea, 20, construction worker alyas Abdon, 23, Si alyas Catahan, 21 kapwa residente ng Brgy Ibayo NAIC, Cavite at alyas Loyola, 27 ng  Brgy. Calubcob dahil sa reklamo ni alyas Val, 29, may-asawa, Branch Manager ng Brgy. Manilen Bago ng nasabing lugar.

Ayon sa report, bandang alas-1:00 kamakalawa ng madaling araw nang ipinarada ng biktima ang kanyang motorsiklo kulay itim at violet na Yamaha Mio Sporty na may plakang NG32390 sa parking lot ng Jollibee Naic branch.

Pero nang balikan niya ito kinabukasan pagkatapos ng kanyang duty ay nawawala na ang kanyang motorsiklo sa parking lot ng nasabing food chain.

Base sa kuha sa footage ng CCTV, umalis ang isa sasuspek sakay ng isang motorsiklo sa D Spot Restaurant and Bar, pumasok sa BDO Intersection at dumaan sa Jolibee Drive Thru pero wala namang binili at tumigil sa vehicle exit.

Sa isa pang kuha sa CCTV, makikitang may isa pang suspek na nakatayo kung saan nakaparada ang ninakaw na motorsiklo.

Bumaba ang suspek sa kanyang motorsiklo at kunwaring nakipag-usap sa dalawa pa nitong kasamahan na pawang mga naka-helmet saka may inabot ito na susi sa isa sa kanila.

Ilang sandali pa ay sabay-sabay na nag-alisan na ang mga suspek at natangay na rin ang motorisklo ng biktima.

Nagsagawa ng follow up operation ang Naic Municipal Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek base sa footage sa CCTV.

Kasong paglabag sa RA 10883 o New Anti Carnapping Act of 2016 ang kinakaharap ng mga naarestong suspek. Margie Bautista