MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang mga residente na i-report ang sinumang indibidwal na nagbebenta ng hindi rehistradong monkeypox o mpox vaccines kasunod ng mga ulat ng mga taong nagbebenta nito nang walang pag-apruba ng pambansang pamahalaan.
Sinabi ng alkalde na nakatanggap ang Department of Health (DOH) ng mga ulat na may ilang grupo at indibidwal na nagbebenta ng bakuna na dinala sa bansa nang walang pag-apruba nito at ng Food and Drug Administration (FDA).
Nangangahulugan ito na ang hindi malinaw na mga bakuna ay hindi nakatitiyak sa kaligtasan at bisa nito.
Sinabi ni Rubiano na iaanunsyo ng pamahalaang lungsod ang pagsisimula ng pagbabakuna laban sa sakit na mpox kapag ito ay magagamit na.
Maaaring iulat ng mga residente ang mga taong nagbebenta ng mga hindi rehistradong bakuna sa City Health Office (CHO) sa pamamagitan ng Pasay City trunkline 888-PASAY (72729) local 1147. RNT