Home ENTERTAINMENT Mommy Min, nagsalita na sa isyung nagkabalikan ang KathNiel!

Mommy Min, nagsalita na sa isyung nagkabalikan ang KathNiel!

Manila, Philippines- “Fake news!”

‘Yan ang paglalarawan ni mommy Min Bernardo o mas kilala bilang nanay ng Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo, sa mga naglalabasang balita.

Nanggagalaiti si Min sa nabasang post ng controversial internet personality na si Xian Gaza sa kanyang Facebook page na sinasabing magkaibigan na lang daw sina Kathryn at Alden Richards, na noo’y sinasabing masugid at napapabalitang manliligaw ng aktres.

Nababahala rin si Min at sinabi na walang basehan o peke ang impormasyong nagkabalikan sina Kathryn at ex-boyfriend na si Daniel Padilla.

Noong araw ding iyon ay agad naglabas ng pahayag si Mommy Min na wala itong basehan.

Nagpaalala ang ina ni Kathryn sa mga “fake news” na inuugnay sa anak.

Nang hingan ng mensahe si Mommy Min para sa fans ni Kathryn, ito ang malamang sagot niya: “I know them very well. Wag kayo masyado maniniwala sa mga fake news.”

Tila ayaw pumayag ni Min na nagkanya-kanya na ng landas ang anak at Alden.

Walang direktang tinukoy si Min kung ano ang kanyanginalmahan, ang sinabi ba ni Gaza na “magkaibigan lamang daw sina Kathryn at Alden?” o ang balitang nagkabalikan na ang mag-ex na sina Kathryn at Daniel?

Wala ring eksaktong sinabi si Mommy Min kung ano ang “fake news” na tinutukoy niya.

Sa comments section, isang netizen ang nagsabi na bagong post ang video ni Mommy Min.

Komento nila, mas dapat paniwalaan si Mommy Min kesa sa mga unverified information na ipinapakalat ng iba.

Huling namataan ng publiko sina Daniel at Kathryn nang magkasama sila onstage sa ABS-CBN Christmas Special at Asia’s Artist Awards noong December 2023.

At dahil dito, marami sa fans nina Kathryn at Daniel ang nagpahayag ng pag-asang nagkakamabutihan na nga ang dalawa dahil after ng pelikulang Hello, Love, Again ay ‘di na nakitang magkasama ang KathDen.

Marami ring nakakapansin na hindi pa nasisilayan sina Kathryn at Alden na magkasama magmula nang pumasok ang 2025.

Sa online show na Showbiz Now Na!, natalakay sa vlog ni Cristy Fermin na diumano’y “nagdededmahan” na lang sina Alden at Kathryn.

Kapansin-pansin na hindi na raw malapit ang dalawa kumpara noong kasagsagan ng ipinapalabas sa mga sinehan ang pelikula nila, kung saan sa bawat lugar na kanilang puntahan sa promo ng movie ay sweet na sweet sila.

May disclaimer naman si Cristy na hindi raw niya alam kung baka naman may personal na pag-uusap ang dalawa na ipahinga muna ang kanilang labtim.

Sa vlog naman ni Ogie Diaz, sinabi nito na huminto na umano si Alden sa panliligaw kay Kathryn.

Hindi nagbigay ng ibang detalye si Ogie sa paghinto ni Alden sa panunuyo sa aktres.

Nitong huli, may cryptic post naman si Alden sa kanyang Instagram Story.

Ani Alden sa kanyang cryptic post: “Food for thought: Mind your own business.” Ador Saluta