Home NATIONWIDE Monster ship ng China, lumayo na sa Zambales – PCG

Monster ship ng China, lumayo na sa Zambales – PCG

MANILA, Philippines – Lumayo na ang monster ship ng China sa karagatan ng Zambales ngunit isa pang barko nito ang umaaligid, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni PCG spokepserson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na ang bagong ipinadalang Chinese vessel na CCG 3304 ay mas malaki rin sa barko ng PCG na BRP Gabriela Silang.

Ang PCG ay oras-oras nang nagpapadala ng radio challenge sa CCG upang manawagan na ang kanilang operasyon sa Philippine exclusive economic zone (EEZ) ay paglabag sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at 2016 Arbitral Award.

Unang kinumpirma ng PCG ang presensya ng Chinese vessel, malapit sa Capones Island noong Enero 4.

Noong nakaraang linggo, naghain ng diplomatic protest at nanawagan sa China na alisin ang kanilang monster ship mula sa katubigan ng Pilipinas.

Dumipensa naman si Chinese Foreign Ministry spokesperson Guo Jiakun noong Martes sa pagpasok ng kanilang barko sa loob ng teritoryo ng Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden