Home NATIONWIDE Monster ship ng China patuloy na binubuntutan ng PCG

Monster ship ng China patuloy na binubuntutan ng PCG

MANILA, Philippines – Patuloy na binubuntutan at minomonitor ng Philippine Coast Guard (PCG) ang monster ship ng China Coast Guard (CCG) na nasa loob ng exclusive economic zone ng bansa.

Sa pahayag, sinabi ng PCG na ang barko ng China ay hindi nag-eengage sa “innocent passage but rather asserts that it is conducting a law enforcement operation, claiming jurisdiction over these waters as belonging to the People’s Republic of China.”

“In response, the crew of BRP Cabra has remained steadfast in challenging this assertion, diligently tailing and shadowing CCG-5901 to uphold Philippine sovereign rights,” ayon pa sa PCG.

“The Philippine Coast Guard reaffirms its dedication to protecting the nation’s maritime interests and will continue to monitor the activities of the CCG’s illegitimate presence.”

Ang monster ship ng China na may registration number 5901 ay unang namataan 54 nautical miles mula sa Capones Island, Zambales noong Sabado.

Nitong Lunes ay namataan naman ito malapit sa Lubang Island, Occidental Mindoro.

Ayon kay National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya, patuloy na magsasagawa ng radio challenges ang pwersa ng Pilipinas sa naturang barko.

Nauna nang sinabi ng PCG na ang presensya ng barko ng China sa lugar ay paraan para takutin ang mga mangingisdang Pinoy. RNT/JGC