Home NATIONWIDE ‘Monster ship’ ng Tsina nasa katubigan pa rin ng Pinas – PCG

‘Monster ship’ ng Tsina nasa katubigan pa rin ng Pinas – PCG

MANILA, Philippines- Patuloy ang presensya ng China Coast Guard (CCG) vessel 5901 o kilalang “monster ship” malapit sa baybayin ng Zambales nitong Miyerkules sa kabila ng panawagan ng Pilipinas na umalis na ito.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules, sinabi ng PCG na mino-monitor ng BRP Gabriela Silang ang “illegal” deployment ng monster ship.

Sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela, ang paggalaw ng barko ng CCG sa buong araw ay hindi nabigong matugunan ang kinakailangang pamantayan para sa paggamit ng “right of innocent passage.”

Bilang tugon, sinabi ni Tarriela na epektibong napanatili ng BRP Gabriela Silang ang isang proteksyon na posisyon sa pamamagitan ng mahusay na seamanship, matagumpay na pinananatili ang CCG sa average na distansya na 60-70 nautical miles mula sa baybayin ng Pilipinas.

Sinabi ni Tarriela na naglabas ng radio challenge ang CCG laban sa BRP Gabriela Silang dahil sa umano’y paglabag sa Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea, 1972 (COLREGs).

Gayunman, ipinunto ni Tarriela na ang paratang ng Beijing ay binalewala ang “mas kritikal na isyu ng ilegal na presensya ng China Coast Guard sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.”

Unang kinumpirma ng PCG na ang presensya ng Chinese vessel malapit sa Capones Island noong Enero 4.

Noong Martes, sinabi ng Pilipinas na naghain ito ng diplomatic protest at nanawagan sa Tsina na alisin ang kanilang monster ship mula sa katubigan ng Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden