Home NATIONWIDE ‘Monster ship’ pinakamalapit na deployment ng Tsina sa baybayin ng Pinas –...

‘Monster ship’ pinakamalapit na deployment ng Tsina sa baybayin ng Pinas – PCG

MANILA, Philippines- Sinabi ng  Philippine Coast Guard (PCG) na ang ‘monster ship’ ng China na namataan sa karagatan  ng Zambales ay ang pinakamalapit na barko sa baybayin ng Pilipinas.

Kinumpirma ni PCG West Philippine Sea spokesperson Commodore Jay Tarriela na ang barko ng China ay namataan sa layong 54 nautical miles mula Capones Island noong Sabado na pinakamalapit na naglayag malapit sa baybayin ng bansa at nasa exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ang barko ay namataan sa baybayin at ngayon ay mabagal na kumikilos palayo sa probinsya.

Ayon kay Tarriela, ang deployment na ito sa barko ng China ay kwestiyonable dahil ito ang unang beses na ang China Coast Guard na nag-deploy malapit sa EEZ.

Tinawag ni Tarriela na ilegal ang deployment ng China at sinabi na nagpapadala araw-araw ng radio challenge.

“The Chinese Coast Guard does not have the legal authority to patrol within our own exclusive economic zone,” sabi ni Tarriela.

Idinagdag pa na ang maritime law enforcement operations ng China sa Pilipinas ay “illegitimate.” 

Sinabi ni Tarriela na ang nais ng China na i-normalize ang deployment ng kanilang China Coast Guard vessels sa lugar upang baguhin ang status quo.

Ang Pilipinas ay nagpadala ng bagong diplomatic protest sa China kaugnay sa presensya ng monster ship sa karagatan ng Zambales. Jocelyn Tabangcura-Domenden/Teresa Tavares