MANILA, Philippines – Ang Bangsamoro Darul-Ifta’ (BDI) ay magsasagawa ng opisyal na moonsighting sa Marso 30 upang ipahayag ang Eid’l Fitr at ang pagtatapos ng Ramadhan.
Ayon kay Bangsamoro Mufti Sheikh Abdulrauf Guialani, hinihikayat ang komunidad na manalangin at magpasalamat sa huling gabi ng banal na buwan.
Nagsimula ang Ramadhan 2025 noong Marso 2 matapos walang makitang gasuklay na buwan noong Pebrero 28.
Ang moonsighting ay isang mahalagang Islamikong tradisyon na sumusunod sa kalendaryong lunar. RNT