MANILA, Philippines – Inaresto ang isang 41-anyos na lalaki matapos mang-hostage ng 2-taong gulang na bata sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City, noong Marso 25, 2025.
May dalang kutsilyo at bolo, sapilitang kinuha niya ang anak ng kanyang kaibigan at humiling na dalhin siya sa Los Baños, Laguna upang baguhin umano ang kanyang buhay.
Makikita sa CCTV na sakay ng jeepney ang suspek kasama ang ina at lolo ng bata, pati na rin ang asawa ng suspek.
Sinundan sila ng ambulansya at pulis. Makikita rin ang pananakit ng suspek sa ina ng bata habang tinutukan nito ng kutsilyo ang biktima.
Naaresto ang suspek sa Elliptical Road, matapos kuyugin ng taumbayan.
Nasugatan ang bata sa dibdib, habang may tinamong sugat din ang kanyang mga magulang.
Ang suspek, na matagal nang kaibigan ng ama ng bata, ay nakadetine na at nahaharap sa kasong pagtangkang pagpatay, pagbabanta, at iba pa. RNT