MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Alyansa campaign manager at Navotas Rep. Toby Tiangco ang ulat na nakipagpulong siya kina dating Senador Kiko Pangilinan at Bam Aquino tungkol sa posibleng pagsali nila sa Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas.
”That’s completely untrue. I haven’t met with Bam Aquino and Kiko Pangilinan,” ani Tiangco sa reporters. ”The Alyansa slate is solid and fully aligned with President Bongbong Marcos’ agenda,” giit pa niya.
Samantala, umatras si Senador Imee Marcos sa senatorial lineup ng administrasyon dahil sa hindi pagkakasundo sa mga prinsipyo kasunod ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Tiangco na iginagalang nila ang desisyon ni Imee.
Sa kanyang endorsement speech sa Cavite at Laguna, hindi binanggit ni Pangulong Marcos ang kanyang kapatid. RNT