MANILA, Philippines – Iniulat ng Armed Forces of the Philippines na 254 miyembro at tagasuporta ng New People’s Army ang na-“neutralize” mula Enero 1 hanggang Marso 20, kung saan 210 dito ang sumuko.
Ayon kay Col. Francel Margareth Padilla, patunay ito ng paghina ng puwersa ng NPA.
Noong nakaraang taon, sinabi ng militar na 88 sa 89 guerilla fronts ng NPA ang na-“neutralize”, kaya’t isa na lang ang natitira.
Iniuugnay ng AFP ang tagumpay na ito sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na binuo noong 2018.
Hinikayat ni Padilla ang natitirang mga kasapi ng NPA na sumuko at samantalahin ang amnestiya, dahil hanggang sa susunod na taon lang ito bukas. Santi Celario