Home METRO Most wanted na babaeng Iranian arestado sa loob ng unibersidad sa Maynila

Most wanted na babaeng Iranian arestado sa loob ng unibersidad sa Maynila

MANILA, Philippines – Arestado sa loob ng isang kilalang unibersidad sa Maynila ang isang Iranian national sa kasong paglabag sa carnapping.

Si Karami Marziyah na isang dalaga ay nasa listahan din ng Most Wanted Person sa station level partikular sa Police Station 14 ng Manila Police District (MPD).

Kasalukuyan itong naninirahan sa Sampaguita St, Barangay Cembo, Makati at naaresto sa loob ng Centro Escolar University Mendiola St. San Miguel, Manila.

Ayon sa pulisya, isinilbi ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Barbosa PS ang warrant of arrest laban sa akusado na inisyu ni Hon. Czarina E.Samonte Villanueva, Presiding Judge ng RTC Branch 184, Manila.

Siya ay may kinakaharap na kasong paglabag sa New Anti Carnapping Act of 2016.

Pansamantalang nakadetine sa nasabing police station ang akusado habang inihahanda ang naaangkop na dokumentasyon bago ibalik ang Warrant of Arrest sa korte ng pinagmulan.

Samantala, hindi naman nagpakuha ng mugshot o anumang larawan ang akusado sa isinagawang booking process ng pulisya sa dahilang labag ito sa kanilang religious belief bilang Muslim at hindi rin umano makikipagtulungan sa anumang proseso na ginagawa ng pulisya. Jocelyn Tabangcura-Domenden