Home METRO Most wanted ng Muntinlupa, nasabat sa Bulacan

Most wanted ng Muntinlupa, nasabat sa Bulacan

110
0

MANILA, Philippines – Nalambat ng tracker team ng Muntinlupa City Police ang Top 7 most wanted person (MWP) sa ikinasang out-of-town operation sa Bulacan nitong Lunes ng hapon, Marso 30.

Sa report ng Muntinlupa City Police kay Southern Police District (SPD) director P/Brig. Gen. Randy Arceo, kinilala ang nadakip na suspek na si alyas Lito, 54, construction worker, tubong Norzagaray, Bulacan.

Ayon kay Arceo, inaresto si alyas Lito dakong alas-5:30 ng hapon sa kanyang tahanan sa Paner Street, Barangay Minuyan, Norzagaray, Bulacan.

Ang pagkakadakip sa suspek ay isinagawa ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Unit (WSU) ng Muntinlupa City Police Station sa pakikipag-ugnayan sa Norzagaray Municipal Police Station, sa bisa ng bench warrant of arrest na inisyu noong Disyembre 16, 2025 ni Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Romeo Santos Buenaventura ng Branch 256, na walang kaukulang rekomendasyon ng piyansa.

Si alyas Lito, na nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 11 at 12, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa ilalim ng Criminal Case Nos. 16-738 at 16-739, ay kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Muntinlupa City Police habang naghihintay ng commitment order ng korte na mag-uutos ng paglipat ng kanyang pagkakakulong sa Muntinlupa City Jail.

“The successful apprehension of Lito sends a clear message that the long arm of the law will eventually reach those attempting to evade justice, regardless of where they hide,” ani Arceo. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here