Home NATIONWIDE WPS ‘di makokompromiso sa posibleng joint oil exploration ng Tsina at Pinas

WPS ‘di makokompromiso sa posibleng joint oil exploration ng Tsina at Pinas

126
0

MANILA, Philippines – “Walang mawawalang interes, walang ipamimigay na interes.”

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro bilang pagtiyak na maingat ang magiging pagkilos ng Pilipinas para protektahan ang interes ng bansa sa potensiyal na joint oil at gas exploration sa Tsina, matapos na ang dalawang bansa ay nagbukas ng “paunang palitan” sa posibleng pagtutulungan.

Sinabi pa ni Castro na pangangalagaan ng bansa ang karapatan nito sa WPS.

“Lagi naman tayong magiging sincere sa mga pag-uusap kung meron man, at lagi tayong magiging maingat para sa interes ng bayan at para sa interes ng bawat Pilipino,” ang winika ni Castro.

Nauna rito, nagkaroon ng magkakasunod na pulong ang Pilipinas at China sa 24th Foreign Ministry Consultations at sa 11th Meeting of the Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea noong Marso 27 at 28 sa Quanzhou City, Fujian Province, China.

Sa kabilang dako, sinabi ng Department of Foreign Affairs na nagkaroon ng inisyal na usapan ang magkabilang panig sa potensiyal na oil and gas cooperation.

“Kung meron mang plano, kung magkakaroon ng joint exploration, alam naman natin ang Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Marcos Jr. ay open, sabi nga n’ya, nothing is off the table,” ayon kay Castro.

Matatandaang, noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, isinulong din ng gobyerno ang negosasyon sa joint oil at gas exploration sa China.

Magkagayon man, matapos ang termino ni Digong Duterte, ipinatigil niya ang pag-uusap ng dalawang bansa. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here