Home NATIONWIDE Piso sumadsad muli vs Dolyar: P60.69 sa $1

Piso sumadsad muli vs Dolyar: P60.69 sa $1

114
0

MANILA, Philippines — Bumagsak sa panibagong record low ang piso sa P60.69 laban sa US dollar nitong Lunes, na siyang ikapitong beses na naitala ang paghina nito ngayong Marso.

Mas mababa ito kumpara sa P60.55 na naitala sa pagtatapos ng trading noong Marso 27, indikasyon ng patuloy na paghina ng lokal na salapi.

Sunod-sunod ang pagbaba ng piso ngayong buwan, mula P59.50 noong Marso 9 sa gitna ng tensyon sa Middle East, hanggang P59.735 noong Marso 13 at P59.87 noong Marso 16.

Una nitong nalagpasan ang P60 kada dolyar noong Marso 19 sa P60.10, bago bumagsak pa sa P60.30 noong Marso 23 at P60.55 noong Marso 27, na humantong sa pinakahuling record low nito. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here