Home NATIONWIDE Mosyon ng gambling operator sa pag-quash ng kaso sa P50M bribery, binasura...

Mosyon ng gambling operator sa pag-quash ng kaso sa P50M bribery, binasura ng Sandiganbayan

171
0

MANILA, Philippines – Tinanggihan ng Sandiganbayan ang mosyon ni gambling operator Jack Lam na i-quash ang criminal information laban sa kanya kaugnay ng umano’y P50 milyong bribery scheme sa ilang opisyal ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon sa resolution ng Sixth Division, mananatiling valid ang kaso laban kay Lam para sa paglabag sa Presidential Decree No. 46, na nagbabawal sa mga opisyal na tumanggap at sa pribadong indibidwal na magbigay ng anumang benepisyo sa opisyal na tungkulin.

Iginiit ng korte na hindi saklaw ng proteksyon sa double jeopardy si Lam, dahil hindi siya kasabay na inakusahan o nahatulan ng direct bribery o plunder, tulad ng dati niyang co-accused na sina Al Argosino at Michael Robles na na-drop ang kaso noong 2021.

Umuugat ang kaso sa alegasyong P50 milyon na binayad ni Lam, sa pamamagitan ng middleman na si Wenceslao Sombero Jr., kay Argosino at Robles noong Nobyembre 2016 para palayain ang higit 1,300 Chinese nationals na naaresto sa ilegal na trabaho sa Fontana Leisure Park sa Pampanga.

Sinabi rin ng korte na sa yugtong ito, sapat na ang pag-alegar ng mga pagkilos, hindi pa kailangan patunayan, at nanatili ring ipinatupad ang hold departure order laban kay Lam. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here