Home NATIONWIDE Mosyon ni Padilla sa pagharang ng impeachment court, tatablahin sa Senado

Mosyon ni Padilla sa pagharang ng impeachment court, tatablahin sa Senado

78
0

MANILA, Philippines – Kung sakaling mangyari ang ganitong sitwasyon, handa si Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson na tutulan at bumoto laban sa anumang mosyon na maglalayong pigilan o ipagpaliban ang pag-convene ng Senado bilang impeachment court para sa posibleng kaso ni Vice President Sara Duterte-Carpio.

Binigyang-diin din ni Lacson na nakalatag na ang Konstitusyon at ang mga legal na mekanismo upang tugunan ang anumang isyu kaugnay ng impeachment trial, kabilang ang mga hakbang na maglalayong pigilan ang pag-convene ng Senado bilang impeachment court.

“For context, I did not say I will not oppose and vote against any motion to stop or delay the convening of the Senate into an impeachment court, if it comes to that. That said, the Senate is a collegial, deliberative body that is always ruled by the vote of the majority,” aniya sa isang post sa X.

Kamakailan, lantarang inihayag ni Senador Robin Padilla na kanyang tutulan ang pagbubuo ng impeachment court upang litisin si Vice President Sara Duterte sakaling inihain sa Senado ang Articles of Impeachment.

Nakatakda sa Saligang Batas na kaagad-agad lilikhain ng Senado ang Impeachment Court, forthwith, upang dinggin ang anumang Articles of Impeachment na ihain  mula sa Kamara laban sa lahat ng impeachable officers ng pamahalaan.

“If this constitutional issue arises, the Supreme Court may intervene to compel the Senate to perform our constitutional duty,” dagdag niya.

Ipinunto din ni Lacson na ang pagtutol sa anumang mosyon na maglalayong pigilan o ipagpaliban ang pag-convene ng Senado bilang impeachment court ay hindi dapat ituring bilang boto para mag-convict o mag-acquit, kundi bilang paggiit sa konstitusyonal na tungkulin ng Senado na mag-convene bilang ganito.

Muli niyang idiniin na ang ebidensiya ang magiging batayan niya sa pagpapasya kung magko-convict o mag-aacquit sakaling matuloy ang impeachment trial.

“This position to oppose any attempt to block the convening of the Senate as an impeachment court has nothing to do with my decision to convict or acquit the respondent as I will always be guided by the evidence to be presented and nothing else,” giit ng mambabatas.

Sa Kapihan sa Senado noong Mayo 6, binigyang-diin ni Lacson na dapat maging handa ang mga senador sa pagharap sa mga posibleng isyu kaugnay ng impeachment process, kabilang ang hypothetical na sitwasyon kung saan may mosyon na pigilan ang pag-convene ng Senado bilang impeachment court at ilalagay ito sa botohan.

Ipinunto niya na maaaring umabot sa Korte Suprema ang ganitong usapin, dahil ang pagsasagawa ng impeachment trial ay isang konstitusyonal na tungkulin ng Senado.

“Constitutional duty yan. (The ones who move to stop the convening into an impeachment court) must be able to convince the majority to vote in their favor,” aniya.

“Kung ganoon ang mangyari, it’s on them. Sila ang sumagot sa taumbayan kung bakit ayaw mag-convene,” dagdag pa niya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here