Libo-libong Batangueno ang dinumog ang motorcade campaign ng FPJ Panday Bayanihan partylist nang baybayin ng convoy ang Lipa City, Balete, Tanauan at Malvar ng lalawigan ng Batangas.
Lulan ng nauunang open van vehicle sina Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng partylist, Action star Coco Martin, Mark Lester Patron at Hiyas Dolor kapwa nominado ng FPJ Panday Bayanihan partylist.
Halos walang puwang sa dami ng tao na matiyagang nag-abang mula sa Lipa City tungong Malvar, may 15 kilometrong distansiya, at masigla nilang binati ang mga kandidato ng FPJ partylist.
Lubos na ikinalugod ni Brian Poe ang pagdagsa ng mga Batagueno at sumusuporta sa kanilang partylist. Lalong humihigpit ang aming determinasyon na ibayong paglingkuran ang marginalized na Filipino at maisulong ang Food, Justice at Progress (FPJ) para sa nakakarami, saad ni Poe.
Mababatid na lagi nahahanay sa top ten rank survey ang FPJ Panday Bayanihan partylist at sa pumangatlo sa pinakahuling survey ng Pulse Asia noong Pebrero.
Kadalasan, ang incumbent partylist sa Kongreso ay nabibilang sa top 10 rank surveys habang umuungos ng todo ang FPJ Panday Bayanihan na isang bagitong kalahok sa mid-term election.
Pagsapit ng dapithapon, ginanap ang grand rally ng FPJ Panday Bayanihan partylist Biz Hut at La Estate, Malvar
Kaugnay sa motorcade, nasipi ang mga komento ng netizens sa social media
Ika nga ni Charice Guzman, ang FPJ partylist parang teleserye na inaabangan ng lahat.
‘Batangas, parang isang malaking community reunion’, banggit ni Skarlet Delo Santos
‘Brian Poe parang may “stealth mode” ang campaign strategy, biglang leading!, komento ni Khaye Perez.
Mapagkumbaba ding tinutugunan ng FPJ partylist supporters ang mga basher.
‘Walang alam! pero mas updated kayo”, parang fans na rin kayo sa effort, ani Hazel Horon. RNT