Home METRO Motorsiklo sumadsad sa ilalim ng trailer truck, sekyu dedbol!

Motorsiklo sumadsad sa ilalim ng trailer truck, sekyu dedbol!

LA UNION- Tigok ang isang security guard matapos na sumadsad sa ilalim ng trailer truck ang minamaeho nitong motorsiklo sa Brgy. Lingsat, City of San Fernando ng lalawigang ito nitong Lunes ng gabi, Pebrero 5.

Kinilala ng San Fernando City Police Station ang driver ng Rusi 110 motrocycle na si Jeremiah Arcega y Bautista, 27, walang asawa, security guard, residente ng Brgy. Barrientos, Luna, La Union.

Nakilala naman ang driver ng red truck tractor head with trailer na si Santiago Avenido y Austral, 39, walang asawa, driver, residente ng Blck 34, Lot 44, PNADI Village 11 PHZ, Mapulang Lupa, Pandi, Bulacan.

Ang dalawang sasakyan ay parehong bumibiyahe papuntang timog na direksyon sa national highway ng nabanggit na lugar.

Nasa inner lane ang truck samantalang nasa outer lane naman ang motorsiklo.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, isang pedestrian ang iniwasan umano ng nakamotorsiklo hanggang sa mawalan ng kontrol sa manibela ang driver at sumadsad ang motor nito sa ilalim ng trailer ng truck.

Resulta nito, nagtamo ng serious injury ang driver ng motorsiklo at agad itong dinala sa ospital.

Gayunman, ang driver ng motorsiklo ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

Previous articleChild abuse gamit AI, pinasusugpo ng solon sa gobyerno
Next articlePasahero ng nagkaaberyang yate sinagip ng PCG