Home METRO MOU sa pagsuko sa mga armas sa Basilan pinuri ng OPAPRU

MOU sa pagsuko sa mga armas sa Basilan pinuri ng OPAPRU

144
0

MANILA, Philippines- Ikinatuwa ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang kamakailan lamang na nilagdaang memorandum of understanding (MOU) ukol sa pagsuko sa ‘light weapons at firearms’ sa lalawigan ng Basilan.

Itinuturing ito ng OPAPRU bilang milestone sa ‘peace process’ sa bansa.

Sinabi ng OPAPRU, nakikiisa ito sa Basilan provincial government sa pangunguna ni Governor Jim Hataman, municipal mayors, United Nations Development Program (UNDP) at iba pang peace-inclined groups sa nangyaring pagpirma ng kasunduan sa Isabela City, kabisera ng Basilan noong Hulyo 16.

Para sa OPAPRU, ang MOU ay mahalagang hakbang sa implementasyon ng Small Arms and Light Weapons (SALW) program, “as it will regulate firearms transport and usage, as well as enforce uniform standards for military and police personnel across the province.”

Kabilang sa mga mahahalagang probisyon ng MOU ay ang restriksyon sa pagdadala ng armas sa labas ng ‘designated areas’ para sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF), at maging ang mahigpit na pagsunod sa uniform protocols, at malinaw na pagpapatupad ng mekanismo sa gagamiting armas at kaligtasan.

Sa naging talumpati ni Hataman, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng kolektibong pananagutan sa pag-secure ng mapayapa at maunlad na kinabukasan.

“Mahalin natin ito. Kung ano ang programa ng mga mayors natin, ng mga military, ng local government, pakiusap ko sa mga MILF at MNLF na sumama po kayo. Hindi ito para sa amin, pero para sa atin at sa susunod na henerasyon,” ayon kay Hataman.

Sa kabilang dako, ang highlight ng event ay ang presentasyon at pag-turnover ng 172 firearms kung saan ipinapakita lamang ang ‘ major progress ng gobyerno ng Basilan sa kampanya nito na bawasan ang ipinagbabawal na armas.

Ang SALW program ay itinuturing na ‘key component’ ng aspeto ng seguridad ng Normalization Program para sa MILF combatants, kanilang pamilya at komunidad.

Kabilang sa mga aktibidad ay ang Localizing Normalization Implementation (LNI) Basilan Secretariat’s meeting kung saan pinag-usapan ng stakeholders at ikinasa ang ‘peacebuilding interventions’ na isasagawa sa ilalim ng LNI. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here