Home METRO Mountain Province niyanig ng M-4.9 quake

Mountain Province niyanig ng M-4.9 quake

BAGUIO CITY- Tumama ang magnitude 4.9 earthquake sa Mountain Province dakong tanghali nitong Martes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa bulletin, inihayag ng Phivolcs na tumama ang lindol sa lalawigan ng alas-12:20 ng tanghali at natukoy ang epicenter nito halos 5 kilometers northwest ng bayan ng Tadian.

Tectonic ang lindol at may depth of focus naa 10 km, ayon sa Phivolcs.

Naramdaman ang Intensity III sa Banayoyo, Ilocos Sur, habang naitala ang instrumental intensity I sa Aringay at San Fernando City sa La Union at sa Vigan City sa Ilocos Sur.

Naramdaman din ang lindol sa Baguio City.

Anang Phivolcs, maaaring magdulot ng pinsala ang pagyanig, subalit walang inaasahang aftershock. RNT/SA

Previous articleCalvin Abueva, Mo Tautuaa ipinatawag ng PBA
Next articleBrownlee dumating na sa Manila, lalaro na sa Gilas