Home METRO MPD, all set na sa holiday season

MPD, all set na sa holiday season

MANILA, Philippines – Nakalatag na ang security plan ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) para sa “Paskuhan 2024”

Ayon kay MPD-PIO P/Major Philipp Ines, handang-handa na ang MPD sa pagsisimula ng Simbang Gabi sa Maynila.

Sinabi ni Ines na nasa 1,200 personnel ang ipapakalat ng MPD sa iba’t ibang simbahan at sa iba pang lugar tulad ng pasyalan sa Maynila.

Mahigpit na babantayan ng mga kapulisan ang 56 na mga simbahan sa Maynila kung saan ang iba dito ay magsasagawa na ng misa sa Linggo ng gabi.

Bukod dito, makikita rin ang mga police assistance desks sa mga Simbahan at mga bus terminals na maaring lapitan ng publiko.

Dagdag pa ni Major Ines, maglalatag din ng checkpoints.

Bukod pa ito sa mga nagpa-patrolya na mag-iikot sa lungsod, para matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa siyam na araw ng Simbang Gabi. (Jocelyn Tabangcura-Domeden)