MANILA, Philippines -Bumuo ng Special Investigation Task Group Ambon (SITG Ambon) ang Manila Police District (MPD) para imbestigahan ang pagkamatay ni Christian Tendido Ambon, ang criminology graduate mula Northern samar nasawi matapos saksakin at bugbugin habang sinusubukan niyang habulin ang nagtangay ng kanyang cellphone.
Sinabi ng MPD na may mga ininterbyu nang mga indibidwal ang knilang kapulisan at nangalap na ng ebidensya saka sinilip na rin ang CCTV footage na kanilang nakalap sa lugar.
Isasailaim din ang labi ni Ambon sa autopsy.
Ayon sa pamunuan ng MPD, ang kaso ni Ambon ay hindi mababalewala at idinagdag na ang insidente ay para sa karagdagang imbestigasyon.
Si Ambon, 26 anyos ay pinagtulungang bugbugin at sinaksak matapos na umano’y akusahang nagnakaw ng cellphone sa Barangay 718, Malate, Manila noong Pebrero 8 ng alas-11 ng gabi sa loob ng bahay sa Leveriza Street, ayon sa MPD.
Hinabol umano ng biktima ang snatcher na nang-agaw ng kanyang cellphone ngunit napagkamalan siyang magnanakaw ng mga residente. Siya ay nakorner at inatake ng mga residente.
Siya ay criminology graduate na lumuwas ng Manila mula Samar upang maghanap ng trabaho.
Naitakbo pa sa ospital ngunit binawian ng buhay makalipas ng apat na araw.
Ayon naman sa barangay, si Ambon ang unang umunday ng saksak sa nangyaring insidente.
Inireklamo rin siya ng trespassing at frustrated murder.
Labis namang hinagpis ng ina ng biktima na si Aling Bonifacia sa nangyari sa anak lalo na at mali ang inaakusa sa kanya.
Tinitiyak ng MPD sa pamilya, ang patuloy nilang pangako sa paghahangad ng “full closure” sa kaso.
Pagtitiyak din ni MPD District Director Police Brigadier General Arnold Thomas Ibay na ang kanilang mga kapulisan ay ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya upang maiwasan ang ganitong kahalintulad na krimen sa komunidad.
“We are committed to uncovering the truth, rest assured that we will hold those responsible accountable,” sabi ng heneral. Jocelyn Tabangcura-Domenden