CEBU CITY- ARESTADO ang isang guro at dalawang kasama nito na pawang mga nasa high value individual na tulak ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad, kahapon ng hatinggabi, Pebrero 21 sa bayan ng Concolacion.
Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Jedeestel Pernito, 50, guro, taga Barangay Poblacion Occidental, Jerome Nuevo,23, at Clint Gersale, 25, taga Barangay Cansaga, Consolacion.
Sa pinagsamang operasyon ng mga tauhan ng Municipal Drugs Enforcement Unit at mga ahente Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)RO7, dakong 12:30 AM ng mga madakip ang mga suspek sa Barangay Poblacion Occidental, Consolacion.
Nakuha kay Pernito ang hinihinalang shabu na may timbang na 30 gramo at tinatayang aabot sa halagang
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang mga suspek. Mary Anne Sapico