MANILA, Philippines – PINAHINTULUTAN ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng 25,000 metric tons (MT) ng iba’t ibang frozen fish at seafood sa susunod na tatlong buwan upang maiwasan ang anumang potensiyal na pagsirit ng presyo lalo na sa food service industry.
Sa katunayan, nilagdaan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang Memorandum Order No. 12 binalangkas ang guidelines para sa pag-aangkat ng 40 na isda at fishery o aquatic products mula Marso 1 hanggang Mayo 30, 2025.
“This will also add variety in the market, especially for food service industry, since fish and marine species covered by this importation are mostly fish and marine products not caught locally,” ang sinabi ni Tiu Laurel sa isang kalatas, isang araw matapos ang paglagda sa memo.
“This should not affect local fishermen and should help in the ease of doing business,” ayon pa rin kay Tiu Laurel na hindi na nagbigay pa ng ibang detalye.
Kabilang naman sa food service industry ay ang restaurants, bars, fast food outlets, caterers at iba pang nagbebenta o nagsisilbi ng pagkain o inumin sa pangkalahatang publiko.
Ang ‘mga isda at seafood’ na saklaw ng DA memo ay ang Alaskan pollock, barramundi, bluefin tuna, capelin, Chilean Seabass, clams, cobia, cod/black cod, croaker, eel, emperor, fish meat, flounder, gindara, grouper, hake, halibut, hamachi, hoki at lobster.
Kabilang din ang marlin, moonfish, mussels (black, green-lipped, blue), mullet, octopus, oilfish, oyster, pangasius, red snapper, salmon, sardines, scallops, sea bream, silverfish/silver sillago, smelt, soft at hardshell crabs, squid, swordfish, tuna by-products at yellowtail sole.
Maglalaan ang ahensiya ng paunang 28,000 MT sa bawat each accredited o registered importer, habang ang natitirang dami ay ipamamahagi sa kuwalipikadong qualified importers sa first-come, first-served basis.
“The allocation for subsequent importations shall be based on the actual number of qualified importers who complied within the seven working days period,” ang nakasaad sa DA.
Hindi na tinukoy ng memo ang mga hakbang at kaparusahan upang matiyak na ang mga inangkat na marine products ay hindi makikipag-paligsahan sa local seafood industry, partikular na sa mga isda na oridnaryong natatagpuuan sa mga wet market.
Ang lahat ng sanitary and phytosanitary import clearances (SPSICs) na ipalalabas sa ilalim ng kautusan ay dapat na balido para sa 45 na araw mula sa issuance date.
Ang anumang hindi nagamit na SPSICs ay awtomatikong ituturing na kanselado at isinuko sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Ang mga imported fish o seafood ay dapat na nakalagay sa BFAR-accredited cold storage facilities.
ITo ay bukas sa mga importers na accredited para sa hindi bababa sa isang taon bago pa ipalabas ang kautusan at iyong nagpartisipa s mga naunang importasyon.
“Those with pending cases or under investigation for violating food safety or importation rules, incomplete documentary requirements or without Bureau of Customs accreditation at the start of the importation period are excluded,” ayon sa kautusan.
Sinabi naman ng DA, na ang policymaking body sa fisheries sector na nagtakda ang National Fisheries and Aquatic Resources Management Council ng import ceiling nito lamang huling bahagi ng nakaraang taon, naglalayon na tugunan ang inflation concerns at paghusayin ang alokasyon ng import volume para sa institutional buyers at wet markets. Kris Jose