Home METRO MPD, NCRPO nakahanda sa pagdiriwang ng Chinese New Year

MPD, NCRPO nakahanda sa pagdiriwang ng Chinese New Year

164
0

MANILA, Philippines – Maglalatag ng mas mahigit na seguridad ang Manila Police District (MPD) at lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Binondo.

Ayon sa MPD, asahan na ang mga aktibidad na inihanda ng Filipino-Chinese community ay dadagsain ng publiko kabilang rito ang fireworks displacement sa Binondo Intramuros Bridge na kanilang matutunghayan.

May inihanda ring parade, lion at dragon dance sa sa Ongpin kung saan magkakaroon ng programa at iba pang aktibidad sa Plaza San Lorenzo Ruiz.

Sa inilabas na pahayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nasa higit 7,000 personnel ang kanilang ipapakalat sa Binondo, Ongpin St, Jones bridge, Lucky China Town at China Town sa Quezon city para masiguro ang kaayusan at kapayapaan.

May nakasibilyan ding pulis na itatalaga para sa monitoring sa pagdiriwang ng Chinese New Year kung saan makakatuwang nila ang mga tauhan ng barangay at mismong Chinese Community.

Ito’y para maiwasan ang anumang hindi inaasahang insidente at anumang uri ng krimen tulad ng pandurukot. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here