Home NATIONWIDE 3 katawan natagpuan sa loob ng lumubog na MV Trisha Kerstin 3

3 katawan natagpuan sa loob ng lumubog na MV Trisha Kerstin 3

206
0

MANILA, Philippines – Tumaas pa ang bilang ng mga nasawi sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3 makaraang marekober ang tatlo pang bangkay sa isinagawang underwater operations ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Pebrero 15 sa karagatan malapit sa Baluk-Baluk Island, Basilan.

Sa bagong datos na ito, umakyat na sa 57 ang kabuuang bilang ng mga nasawi, may 293 na nakaligtas, at 22 pa ang nawawala.

Binigyang-diin ng PCG na ang mga numerong ito ay resulta ng pinagsamang beripikasyon ng Philippine National Police-Scene of the Crime Operatives (PNP-SOCO), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM), at ng mga pamilya ng apektado na patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga interagency search and rescue authorities.

Patuloy ang pagsisid ng mga technical divers sa ilalim ng tubig kung saan lumubog ang RoRo vessel upang hanapin ang iba pang nawawalang mga sakay ng barko.

Noong Biyernes sumailalim sa hyperbaric oxygen therapy bilang bahagi ng standard post-dive medical protocol upang mapanatili ang kanilang kaligtasan at kalusugan.

Nitong Sabado ay muli ring ipinagpatuloy ang diving operations kung saan isa rin ang narekober na bangkay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here