Home HOME BANNER STORY Mpox cases sa QC 3 na

Mpox cases sa QC 3 na

170
0

MANILA, Philippines- Naitala ng Quezon City government ang ikalawa at ikatlong kaso nito ng mpox infections.

Ang ikalawang kaso ay isang 29-anyos na lalaki habang ang ikatlo ay isang 36-anyos na lalaki. Kapwa sila sumasailalim sa home isolation at binibigyan ng atensyong medikal, base sa QC government nitong Sabado.

Kasunod ito ng pag-anunsyo ng lokal na pamahalaan ng unang kaso ng sakit sa lungsod noong nakaraang linggo.

Sinimulan na ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division (QCESD) ang contact tracing efforts kaugnay ng dalawang bagong kaso. Binabantayan na nito ang ang mga indibidwal na natukoy na na-expose sa mga pasyente.

“Kung may sintomas kayo ng mpox, agad nang pumunta sa pinakamalapit na health center o ospital para magpatingin. Hindi namin kayo papabayaan at handang tumulong ang lokal na pamahalaan para sa inyong mabilis na pagpapagaling,” ani Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga residente.

Hanggang noong Sept. 1, iniulat ng Department of Health (DOH) ang walong aktibong mpox cases sa bansa. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here