Home METRO Bagong visa center sa P’que ilulunsad ng US Embassy

Bagong visa center sa P’que ilulunsad ng US Embassy

MANILA, Philippines- Nakatakdang maglunsad ang US Embassy sa Pilipinas ng updated visa appointment system at magbukas ng bagong visa application center (VAC) sa Parqal Building 8 sa Parañaque City ngayong buwan.

Ang Immigrant at non-immigrant visa applicants na hangad ang interview appointments mula Sept. 28 ay nire-require na mag- schedule ng hiwalay na appointment sa VAC para sa photo capture at fingerprint scanning bago pa ang kanilang interview sa US Embassy sa Roxas Boulevard.

Ang scheduling ay gagawin sa pamamagitan ng bago nitong appointment system ustraveldocs.com/ph na ila-live sa Sept. 28.

“Applicants who have scheduled a visa interview before Sept. 28 will not be affected by this change and should proceed directly to their appointment at the Embassy,” ang nakasaad sa abiso ng embahada.

Sa kabilang dako, ang mga aplikante na mayroong ‘existing accounts’ sa kasalukuyang visa appointment system ay kinakailangang pumirma sa bagong sistema gamit ang kanilang rehistradong email address para mabawi o maibalik ang kanilang user profile, kabilang na rito ang payment receipts at appointment information.

Ang VAC ay mag-aalok ng appointment slots mula alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, at mula alas-7 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga, araw ng Biyernes.

Hindi naman kailangan ang appointment para sa mga aplikante para kunin ang kanilang pasaporte o para sa drop off interview waiver visa applications at iba pang kinakailangang dokumento mula alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Samantala, sinabi ng embahada na maglulunsad ito ng call center para sa customers na may “general, non-emergency American Citizen Services (ACS)” na mga tanong.

Maaaring namang tumawag ang isang US citizen sa consular hotlines na (+632) 7792-8988 o (+632) 8548-8223, o (703) 520-2235 para sa callers sa Estados Unidos na mayroong passport, citizenship, at notarial service questions.

Maglulunsad din ang US Embassy ng bago at dedicated website (ustraveldocs.com/ph/en/american-citizens-services) at email ([email protected]) para sa mga ACS services sa Sept. 28

Ang mga katarungan na may kinalaman sa pasaporte, citizenship, o notarials ay dapat na ipadala direkta sa ACS unit sa pamamagitan ng [email protected]Kris Jose