MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga ahensiya ng gobyerno na patuloy na i-monitor ang mga lugar at tao na itinuturing na ‘most vulnerable’ sa Mpox.
“Continue surveillance especially on areas and people most vulnerable to the disease,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang pakikipagpulong kay Health Secretary Teodoro Herbosa at iba pang opisyal, araw ng Martes, Agosto 21.
“Most vulnerable to Mpox, are people who are immunocompromised,” ayon naman kay Herbosa.
Sinabi pa ni Herbosa sa Pangulo na ang DOH ay nakapagtala ng 10 kaso ng Mpox simula 2023. Ang lahat ng pasyente ay gumaling.
Winika pa ng Kalihim na ‘no public emergency’ sa Mpox, tinukoy nito ang mababang bilang ng kaso at ang fatality rate ng sakit. Sinabi pa niya na ang naturang sakit ay hindi airborne.
“Unlike Covid-19, which is airborne, Mpox may only be transmitted through intimate or skin to skin physical contact with someone who is infected or with contaminated materials,” ang paliwanag ni Herbosa.
Ang Mpox o monkey pox ay isang viral illness sanhi ng monkeypox virus, ayon sa World Health Organization (WHO).
Ang common na sintomas ng Mpox ay skin lesions o pagsusugat ng balat na tatagal ng dalawa hanggang apat na linggo na may kasamang lagnat, sakit ng ulo, muscle aches, back pain, low energy, at mga namamagang lymph nodes.
Samantala, tiniyak naman ni Herbosa sa Pangulo na handa ang DOH na gamutin at i-manage ang Mpox. Kris Jose