Home NATIONWIDE Website ng Senado na-hack!

Website ng Senado na-hack!

MANILA, Philippines – Napasok ng hacker group na DeathNote Hackers ang website ng Senate of the Philippines at nakuha ang username at logs ng mga empleyado nito, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong Miyerkules, Agosto 21.

Bago rito, iniulat ng cybersecurity group na Deep Web Konek nitong Martes ng gabi na nakumpromiso ang information technology system ng Senado, ng DeathNote Hackers.

Agad naman na naresolba ng isyu ngunit nakikipagtulungan na ang DICT sa Senado para mapalakas pa ang cybersecurity measure nito.

Anang ahensya, ang naturang hacker group ang nasa likod din ng pambibiktima sa Bureau of Customs ngayong taon. RNT/JGC