MANILA, Philippines – Magkakaroon ng libreng sakay sa MRT-3 at LRT-2 sa Hunyo 12 bilang paggunita sa Ika-127 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Libre ang biyahe mula 7:00–9:00 a.m. at 5:00–7:00 p.m. sa lahat ng istasyon.
Ayon sa MRT-3, ito ay alinsunod sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na maglunsad ng mga inisyatiba para mapagaan ang gastusin sa transportasyon at itaguyod ang pagpapahalaga sa mga makasaysayang okasyon.
Ginugunita sa Hunyo 12 ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya noong 1898. RNT