Home HOME BANNER STORY NAIA privatization pinaiimbestigahan sa sirit-airfare, parking fee

NAIA privatization pinaiimbestigahan sa sirit-airfare, parking fee

253
0

MANILA, Philippines – Pinaiimbestigahan ng mga mambabatas mula sa Makabayan bloc ang pribatisasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil umano sa biglaang pagtaas ng pamasahe at parking fee.

Sa House Resolution No. 2316 na inihain nina Reps. Arlene Brosas (Gabriela), Raoul Manuel (Kabataan), at France Castro (ACT Teachers), iginiit nilang ang New NAIA Infra Corp. (NNIC) ay nagpatupad ng malalaking taas-singil gaya ng parking fee na tumaas mula ₱300 hanggang ₱1,200 simula Oktubre 1, 2024.

Inaasahan pa ang karagdagang singil sa aeronautical operations pagsapit ng Setyembre 2025, na magreresulta sa mas mahal na pamasahe at cargo services.

Giit ng mga mambabatas, dapat gobyerno ang manguna sa pag-develop ng pampublikong imprastraktura, hindi mga pribadong kumpanya na nakatuon sa tubo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here